Boybangga. Guitar. DOTA. Basket. School. UP. ECE.

Wednesday, October 05, 2005

sana..

masama bang magassume? hindi ko alam kung bakit pero iniisip ko na para sa akin ang mga yan.. kahit alam kong maraming tao ang pwedeng magbigay sayo. isang bagay na ang natatanging halaga ay ang presyong katapat nito. sa lahat ng taong nakasama mo sa buhay, ako lang ba ang nagbigay ng ganun? hindi naman siguro dba? kaya ang tanong ko, masama bang magassume?

minsan nga sobrang nagaaya akong makipaginuman at pagdating sa bahay makausap ka. para nang noon ay maibuhos ko na ang lahat. isang beses nga nangyari iyon, kaso wala ka at may nakausap akong iba.. (sori ulet:D)

assuming na para sa akin ito.. hindi ko akalain na ganito pala. na umaasa ka. katulad ko. lahat ng nangyayari ngayon ay iniisip ko na sobrang layo mo na sa akin. mukhang ganoon na nga ang nangyayayi..

sana makita pa kitang muli. sana mapansin ko na suot-suot mo ang bracelet na ibinigay ko sa iyo. kahit isang beses lang. makita ko na mahalaga pala ang bagay na iyan. hindi mo lang itinatago sa isang tabi at kinalimutan lang. sana..

hindi parin makalimutan.. hindi parin magawa.. parang bobo, parang tanga.. pilit paring umaasa at umaasa..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home